WebClick Tracer

Wow mali! Philippine Arena binati ang Bay Area imbes na Ginebra

Usap-usapan ng netizens ang pagkakamali ng Philippine Arena noong Linggo sa pagtatapos ng Game 7 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.

Ito’y nang mag-flash ng congratulation message sa champion team sa higanteng scoreboard pero ang problema, maling koponan ang nabati nito – ang Bay Area Dragons.

Kumalat ang screenshot nito online, kung saan makikitang binati sa giant scoreboard ang Bay Area bilang PBA Commissioner’s Cup champions imbes na ang Barangay Ginebra, na siyang tumalo sa Dragons, 114-99, sa decider Game 7.

Agad naman itong naitama ngunit nakunan na ng netizens pati na rin mga photographer na nagko-cover sa laro.

Narito ang reaksyon ng ilan:

“Maki Chinese kc ung nagpagawa ng arena kaya.”

“At least kahit papanu napasaya nio haters ng kings nuod sila.kamo ng replay baka champion dragons dun.”

“This is a colossal blooper…..who ever is in charge should be reprimanded for it!”

“Bay area nmn talaga ..Kung di lng dahil sa referee nkapakanipis ng tawagan ..all star cast roster just add the 3 ref .. equals champion hahaha.”

“Pampalubag loob na lang raw ‘yan sa bad.”

“Scripted na bawal mag champ ang guest team.”

“So dpat pala dragons ang champ kaya lang ginalingan ng ginebra e.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on