WebClick Tracer

Vhong Navarro inalala hirap na dinanas sa kulungan

Emosyonal sa pagbabalik niya sa “It’s Showtime” nitong Lunes si Vhong Navarro.

Inalala niya ang mga panahong nakakulong siya sa National Bureau of Investigation at Taguig City Jail dahil sa kinahaharap na kasong rape, at nitong December 2022, pansamantala siyang napalaya matapos payagang magpiyansa ng P1 milyon.

Ani Vhong, ang Diyos, ang kanyang asawa, mga anak, pamilya, kaibigan at supporters ang nagpalakas ng loob niya.

“Pag nandoon ka pala sa loob… ang hirap kasi nakita ko ‘yung mga kasama ko roon na mga inmates ko sa NBI, sa Taguig, naaawa ako doon sa mga walang dumadalaw sa kanila. ‘Yung iba, iniwan na ng pamilya. At ‘yung iba parang katulad ko na wala namang ginawa pero nandoon,” saad ni Vhong.

“Ano ka, ite-test ka talaga ni God kung ano ‘yung faith mo sa Kanya. Kaya sabi ko kay Kuya Ogie, ang hope at faith dapat magkasama ‘yan. Hindi pupuwedeng merong isa lang diyan ang mas mataas, dapat parehas ‘yan, pantay ‘yan,” dagdag niya.

Patuloy pa niya, “So, kumapit ako sa Panginoon, kumapit ako sa asawa ko, sa mga anak ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, at sa mga taong nagdadasal at naniniwala sa akin kaya patuloy akong lumaban na malagpasan ‘yung mga problemang pinagdadaanan ko.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on