WebClick Tracer

Tattoo sa singit, sinisi sa pagkatalo ni Celeste

Matapos ang “Darna” national costume, ang tattoo naman sa singit ang sinisi sa pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022 pageant.

Sa kanyang Facebook post, pinuna ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza ang tattoo ni Cortesi sa singit.

Ayon kay Sonza, maaaring ito ang nagdala ng malas sa Filipina beauty queen kaya’t hindi man lamang ito nakapasok sa Top 16.

“Kung lalahok ka sa anumang beaucon, tiyakin mong wala kang tato ng malunggay sa singit. Mamalasin ka. Pramis,” saad ni Sonza.

Maliban sa tattoo sa singit, isa sa mga kapansin-pansing tattoo ni Celeste ang arrow with a diamond sa kanyang dibdib.

Mayroon din siyang tattoo na balahibo sa ibaba lang ng kaliwang collar bone niya. Ayon kay Celeste, kinakatawan nito ang kanyang guardian angel, ang kanyang yumaong ama.

Sa bisig ni Celeste ay may tattoo siya ng kanyang minamahal na French bulldog na si Dolce, habang sa bandang singit niya ang isang floral tattoo. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on