WebClick Tracer

Scottie Thompson kumendeng kasabay ang misis: ‘Ang galing sumayaw ni Ma’am Jinky’

Viral ang pagkembot ni Barangay Ginebra star Scottie Thompson kasama ang misis niyang si Jinky Serrano.

Kumasa ang mag-asawa sa “Ting Ting Tang Tang” dance challenge kasama ang ilang kapamilya.

As of this writing, humakot na ang video ng mahigit kalahating milyong views sa Facebook, na kuha noong New Year.

“Wow! Amazing!” react ng isang netizen.

“Love this ang galing ng 2 leader,” sambit naman ng isa.

“Ang galing sumayaw ni ma’am jinky,” sabi naman ng isa pang netizen.

Noong Linggo tinanghal na kampeon sa 2022 PBA Commissioner’s Cup ang Gin Kings, na pinataob ang guest team na Bay Area Dragons. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on