WebClick Tracer

PBBM: Galvez at Año maganda ang track records kaya muling na-appoint

Ang magandang track record at malawak na karanasan ang pinagbatayan kaya muling binigyan ng pwesto sa gobyerno sina c at National Security Adviser Eduardo Año.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos tanungin sa appointment ng dalawang opisyal.

Ayon kay PBBM, mahaba ang karanasan ni Año sa intelligence kaya angkop sa kaniya na maging National Security Adviser.

“Why Ed Año? Because he has a long, long, long experience in intelligence. Before he became Chief of Staff, before he became group commander. He was ISAFP. So sanay na sanay ‘yun and he’s well-known and he knows all of the operatives in the intelligence community,” saad ng Pangulo.

Maganda rin aniya ang track record ni Secretary Galvez sa peace and security na isa sa naging malaking factor para maitalaga ito sa DND.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na matapos manumpa sa kaniya si Galvez ay alam na aniya nito kung ano ang mga gagawin kaya naniniwala siyang maayos na mapapatakbo ng kalihim ang Defense department.

“Very, very experienced, and in fact as soon as ge took his oath, he was already…he knew what to do. Nag-command conference na siya. So I think he’ll slide into that position really easily,” dagdag ng Pangulo.

Hiniling na rin aniya nito kay Galvez na tulungan siyang maghanap ng kapalit sa binakanteng puwesto  sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Sinabi ng Presidente na humingi na siya ng shortlist kay Galvez dahil mahalagang mapunan agad ang bakanteng pwesto lalo na ngayong nasa transition ang Bangsamoro  Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at inaayos ng gobyerno ang magandang relasyon sa mga Muslim.

Kasabay nito, ipinaliwanag ni Pangulong Marcos Jr. kung bakit muling ibinalik si General Andres Centino bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), dahil  kailangan aniyang ma-rationalize ang seniority ng mga opisyal sa Hukbong Sandatahan.

Si Centino aniya ay four-star general habang ang pinalitan nitong si General Bartolome Bacaro ay three star kaya dapat na ayusin ito.

“Kasi nira-rationaloize namin yung seniority. And Centino has four stars and Bob Bacarro had three stars. So kailangan natin ayusin kasi magkakagulo doon sa baba,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on