WebClick Tracer

Para hindi kapusin: PBBM magpapatupad ng 2 buwang buffer stock ng asukal

Asukal

Magpapatupad ang gobyerno ng dalawang buwang buffer stock ng asukal para hindi kapusin ng supply at hindi maging daan para sumirit ang presyo nito sa pamilihan.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga reporter na kasama nito sa biyahe patungong Switzerland matapos matalakay ang pag-i-import ng asukal at sibuyas.

Ayon sa Pangulo, ang buffer stock ang sasalo upang hindi muling maranasan ng mamamayan ang kapos na supply at mataas na presyo ng asukal.

 “And then sa sugar ganun din, same thing. We are forced to import but in sugar we did it a slightly different way. We will maintain from now on in sugar a two-month buffer stock para hindi na magkaroon ng masyadong speculation sa presyo ng sugar. So that people will know hindi tayo magkaka-shortage dahil lagi tayong mayroon two-month na buffer stock which I will maintain,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na hindi inuupuan ng gobyerno ang problema sa sibuyas at asukal kaya tutulungan ang mga magsasaka para mapalakas ang produksiyon at hindi na kailangang mag-import sa ibang bansa.

“The most important facet of this whole problem is production. We have to go back to the sugar industry. We have to go back to the onion growers and help them para magkaroon tayo ng production, hindi na tayo kailangan mag-import,” anang Pangulo.

Nasanay aniya ang mga tao sa importasyon ng mga produkto sa halip na palakasin ang produksiyon ng mga magsasaka kaya nagkakaroon ng problema sa supply ng mga produktong agrikultura.

“Diyan tayo naipit eh. Nasanay tayo masyado sa import. So import lang tayo nang import hindi natin inaayos ‘yung production side,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on