WebClick Tracer

Michelle Madrigal, umaming naging ‘unfaithful’ din 

Umamin si Michelle Madrigal nitong nakaraan sa kanyang YouTube vlog na minsan siya ay naging “unfaithful” habang nasa isang relasyon. 

Ibinahagi niya ito sa kanyang vlog kasama ang kanyang kapatid na si Ehra Madrigal sa isang larong “Never Have I Ever.” 

Sa paglilinaw, sinabi niyang “gumanti lang din ako.”

“Sinaktan nila ako. Sabi ko, ‘A, kung kaya mo, kaya ko rin.’ Pero nung bata pa ako nun,” dagdag pa niya. 

Ayon kay Michelle, naapektuhan siya ng “heartaches” simula noong siya ay bata pa. 

“Siguro nga dun sa heartbreak ko na sobrang na-depress talaga ako,” aniya. 

“I really promised myself I don’t ever wanna feel this way again. So, kaya ganun ang mindset ko.”

Ngunit sinabi naman niya na hindi nakakatulong ang cheating sa isang relasyon. 

“Walang magagawa kung gaganti ka. Maggagantihan kayo. Like, walang outcome na magandang mangyayari,” saad pa niya.

(Jan Terence) 

TELETABLOID

Follow Abante News on