WebClick Tracer

Kahit panalo sa M4: Yawi ‘di pa ligtas sa issue ng pambabae

Kamakailan lang ay nasungkit ng Echo Philippines ang korona sa M4 World Championship ngunit kahit na nasungkit ito ng nasabing koponan, hindi nawawala sa isip ng ilang netizens ang naging ‘cheater’ isyu ng isa sa mga manlalaro na ito na si Yawi.

Narito ang mga hirit ng ilang netizens tungkol kay Yawi.

“aa no respect for WOMEN who cheers for yawi and disregarding the fact the he is an ultimate cheater y’ all should stop romanticizing men for their good looks tangina aanhin mo pagiging gwapo nan kung manloloko” saad ni @aymughkatring.

“The way I can’t celebrate Philippines M4 championship because a cheater is a part of that winning team. Congrats to the other 4, Yawi should choke.” dagdag pa ni @UWMATS.

Matatandaang nagkaroon ng isyu hinggil sa ‘cheating’ si Yawi sa kaniyang dating nobya nito na volleyball player na si Jennifer Nierva.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on