WebClick Tracer

Janella Salvador durog sa pagpanaw ng alaga na 17 taon niyang nakasama

Naantig ang netizens sa tribute ni Janella Salvador para sa alaga niyang pusa.

Sa Facebook, ibinahagi ng aktres ang isang photo collage – sa kaliwa, ang litrato niya noong 7-anyos pa lamang habang karga ang kanyang alagang pusa na si Twinkie. Sa kanan naman ang litrato niya habang iniiyakan ang pumanaw nang alaga.

“The hardest part about loving animals is knowing that you’re bound to outlive them,” saad ni Janella sa caption.

“That’s 7 year old me in February ‘06, proud and ecstatic to be holding my advanced 8th birthday gift from my mama. I found him at a petshop in Pasay and fell in love so fast that I didn’t want to leave him behind and wait for my birthday. He was the perfect cuddly gentle cat anyone could ever dream of,” sambit pa niya.

Sa dulo ng kanyang mensahe ay pinasalamatan niya ang alagang si Twinkie.

“Thank you for sharing 17 years of your life with us, Twinkie. You have a spot in my heart forever.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on