WebClick Tracer

Briefing kaugnay ng air traffic shutdown itutuloy

Itutuloy ng House of Committee on Transportation sa Miyerkoles, Enero 18, ang briefing kaugnay sa air traffic shutdown na nakaapekto sa mahigit 65,000 pasahero noong Enero 1.

Kinumpirma ng Transportation committee na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop ang schedule ng briefing.

Mahigit 300 flight ang naapektuhan ng pagkasira ng navigation system ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Bukod sa mga opisyal ng CAAP, Department of Transportation, Manila International Airport Authority, at Ninoy Aquino International Airport, inaasahan ang pagdalo ng kinatawan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ang DICT ang nagsasagawa ng forensic investigation kung ano ang nangyari sa circuit breaker na itinuturong naging ugat ng problema. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on