WebClick Tracer

Bayan sa Northern Samar nalubog sa baha, 1 patay

Isa ang naitalang patay sa matinding mga pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan sanhi pa rin ng shear line at low pressure area sa Northern Samar.

Pinakamatinding hinagupit ay ang bayan ng Laoang, kung saan nasa 34 na barangay na ang lubog sa baha.

Sa inisyal na assessment ng Laoang MDRRMO, aabot sa 4,788 households o higit 23,000 na pamilya ang apektado.

Isa rin ang napaulat na nasawi na isang 52-anyos na lalaki sa Barangay Catigbian na natagpuang patay sa likod ng kanyang bahay at hinihinalang nalunod sa mataas na tubig baha.

Tinatayang aabot naman sa higit P49 milyon ang inisyal na danyos sa sektor ng agrikuktura.

Isinailalim na rin sa state of calamity ang naturang bayan. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on