WebClick Tracer

9 bilyonaryo sa Pilipinas mas mayaman pa sa higit 55 milyong Pinoy – Oxfam Int’l

Ayon sa ulat ng Oxfam International, mas mayaman pa ang 9 bilyonaryo sa bansa kaysa sa higit 55 milyong Pinoy.

Sinabi rin ng Survival of the Richest na nahihirapan pa makarekober ang mahihirap na Pinoy dahil sa nagpapatuloy na epekto ng pandemyang Covid-19 at sumisirit na mga bilihin.

“Inequality experienced in the Philippines is starker with the 9 richest Filipinos having more wealth than the bottom half or 55 million of the population,” pahayag ng Oxfam Pilipinas Executive Director na si Erika Geronimo.

“It is quite disheartening to see many are dying due to lack of health care or are experiencing hunger amid high cost of food while the rich increased their wealth during the pandemic,” dagdag pa ni Geronimo.

Ang sumusunod na Pinoy ang mga pangunahing mayayaman sa bansa ayon sa Forbes nitong 2022:

1. Sy siblings (net worth: $12.6 billion)
2. Manuel Villar (net worth: $7.8 billion)
3. Enrique Razon Jr (net worth: $5.6 billion)
4. Lance Gokongwei and siblings (net worth: $3.1 billion)
5. Aboitiz family (net worth: $2.9 billion)
6. Isidro Consunji and siblings (net worth: $2.9 billion)
7. Tony Tan Caktiong and family (net worth: $2.6 billion)
8. Jaime Zobel de Ayala and family (net worth: $2.55 billion)
9. Ramon Ang (net worth: $2.45 billion)

https://www.forbes.com/lists/philippines-billionaires/?sh=3b55b34344e5

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on