WebClick Tracer

PBBM sinisi sa pagkatalo ni Celeste Cortesi 

Ayon sa ilang netizens, hindi umano pinalad ang kandidata ng Pilipinas na si Celeste Cortesi na makapasok sa Top 16 ng Miss Universe 2022 dahil sa “Darna national costume” at “Marcos presidency.” 

May ilang nagsasabi na malas ang pagsusuot ng Darna-costume para sa National Costume dahil hindi umano kilala ng mga hurado si Darna at ang kanyang istorya. 

Sa isang tweet naman, may nagsabing isang netizen na naputol ang winning streak ng Pilipinas dahil umano sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

“THE TOP 16 STREAK IS NOW BROKEN UNDER BONGBONG MARCOS PRESIDENCY. TANG*NA MO TALAGA WALA KA NANG GINAWANG MATINO SA BANSANG TO @bongbongmarcos”.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on