WebClick Tracer

P1M sa Pinoy na aabot sa edad 101, tinulak ni Rep. Duterte

Itinulak ni Davao City Rep. Paolo Duterte at lima pang kongresista ang panukala na magbibigay ng P1 milyong cash gift sa mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang.

Layunin ng House Bill 499, na akda rin nina Benguet Rep. Eric Yap, ACT-CIS Representatives Edvic Yap, Jocelyn Tulfo at Jeffrey Soriano, at Quezon City Rep. Ralph Tulfo na amyendahan ang Centenarian Act (Republic Act 10868) na nagbibigay ng P100,000 cash gift sa mga Pilipino na umaabot sa edad na 100.

“In reality, very few Filipinos reach the centenarian age and if ever they have reached it, they would not be able to enjoy the privilege accorded to them by law due to health deterioration,” sabi ng mga may-akda ng panukala.

Batay sa 2018 statistics, ang average na life expectancy ng mga Pilipino ay 69.3 taong gulang.

Bukod sa pagbibigay ng cash gift sa mga umaabot sa 101, nais din ng panukala na bigyan ng tig-P25,000 ang mga Pilipino na umaabot sa edad 80, 85, 80 at 95 taong gulang.

Sa kasalukuyan, ang mga umaabot sa edad na 100 ay binibigyan ng P100,000 cash gift.

Ang National Commission on Senior Citizens ang inatasan na magpatupad ng panukala.

Ang pondo na kakailanganin ay isasama sa taunang General Appropriations Act. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on