WebClick Tracer

P17.7B nakalaan sa tourism road program ngayong taon

Mayroong P17.7 bilyon ang Tourism Road Infrastructure Program (TRIP) ngayong taon para sa paggawa at pagsasaayos ng mga kalsada patungo sa mga tourism site sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay House Committee on Tourism Vice chairperson at Quezon City Rep. Marvin Rillo ang pondo ay nakapaloob sa 2023 General Appropriations Law.

“We are counting on the tourism sector’s recovery from the pandemic to create new employment and livelihood opportunities for Filipinos, especially in the provinces,” sabi ni Rillo. “This is why we are investing additional money to improve road access to tourist attractions.”

Ang mga kalsada na gagawin at isasaayos ay tutukuyin ng Department of Tourism (DOT) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Rillo mayroong 34 panukalang batas na inaprubahan ng Kamara de Representantes noong nakaraang buwan na nagdedeklara sa ilang lugar bilang mga bagong tourism destination.

Sa Luzon ito ang Wawa Dam sa Rodriguez, Rizal; Polillo Group of Islands sa Mauban, Quezon; Pilis Falls sa Samal, Bataan; Naruron Falls sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya; at Fuyot Springs National Park sa Ilagan, Isabela.

Sa Visayas, ang Lulugayan Falls sa Calbiga, Samar; Sohoton Caves and Natural Bridge Park sa Basey, Samar; Ulot River sa Paranas, Samar; Islas de Gigantes sa Carles, Iloilo; at Tambaliza Island sa Concepcion, Iloilo.

Sa Mindanao naman ay Pinandagatan at Managong Falls, sa Sibagat, Agusan del Sur; Bega Falls sa Prosperidad, Agusan del Sur; Lake Himbang sa Talacogon, Agusan del Sur; at Mighty Cave Park sa Tagoloan, Lanao del Norte. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on