WebClick Tracer

Miss USA, planong magbigay ng sewing workshop sa mga Pilipina

Planong magbigay ng sewing workshop sa mga Pilipina si Miss USA R’Bonney Gabriel, na ngayon ay kinoronahan na bilang Miss Universe 2022.

“I want to reach out to them Filipinos. Well, my world just got turned upside down. But I absolutely would love to visit the Philippines,” saad ni Gabriel sa isang press conference nitong Sabado, Enero 14.

Sinabi rin ni Gabriel na isa ring fashion designer na nakipag-usap na siya sa mga kasama niya sa industriya kung paano ang magiging setup ng planong workshop sa bansa.

“I was speaking with a friend a couple of months ago that’s in the Philippines. He’s a designer. And I told him, I would love to set up some sewing workshops and teach little girls how to sew because it was all about planting the seeds and giving them a creative opportunity,” sabi ni Gabriel.

“So I really look forward to that and I hope I have the opportunity to do that in the Philippines hopefully within the next few months,” dagdag pa niya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on