WebClick Tracer

Mga hoarder ng sibuyas walang takot kay PBBM

Walang takot kay Pangulong Bongbong Marcos ang mga hoarder ng sibuyas.

Ani Senador Sherwin Gatchalian, tingin niya’y malalakas na tao ang mga nagho-hoard ng sibuyas dahil walang takot ang mga ito kahit pa si Pangulong Marcos ang tumatayong kalihim ng Department of Agriculture.

Kaya nanawagan siyang magbuo ng interagency task force para rito, na kabibilangan ng ilang ahensya ng gobyerno kabilang na ang National Bureau of Investigation at Philippine National Police upang matakot ang mga hoarder.

“Kaya ako nananawagan na gumawa ng isang interagency dahil nakikita kong itong mga gumagawa nito ay malalakas na tao dahil ang lakas ng loob nila eh. Isipin mo ang kalihim ng Department of Agriculture ay walang iba kundi ang ating Pangulo pero itong mga hoarder ang lalakas ng loob kahit Pangulo ang kalihim, eh hindi nila inilalabas ang supply [sibuyas],” pahayag ni Gatchalian sa panayam sa Politiko noong Sabado.

“Kaya itong mga hoarders na ito mga negosyante rin ito kaya alam nila ang merkado, mas alam nila ang merkado kesa sa gobyerno… Kaya naman tumataas ang presyo ng sibuyas ay dahil hindi naglalabas ng supply at kulang sa merkado,” dagdag niya.

Nanawagan din siya sa publiko na kung may alam na bodega na punong-puno ng sibuyas ay i-report ito. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on