WebClick Tracer

Mga Bocaueño may libreng tiket para sa Ginebra-Bay Area Game 7

Ibinahagi ni Senador Joel Villanueva ang mga complimentary ticket na handog para sa mga taga-Bocaue, Bulacan para sa Game 7 ng PBA Commissioner’s Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Bay Area Dragons.

“Bocaueños are you ready for PBA Finals Game 7 tom?” anang senador sa isang tweet kahapon, Enero 14.

“These complimentary tickets ay para po sa inyo. Thank you PBA! Thank you PH Arena. Please coordinate with your brgy leaders. God bless GINEBRA,” saad pa niya.

Sasambulat ang deciding Game 7 mamayang 5:45PM, January 15 sa Philippine Arena.

December 11, nakapuwersa ang Dragons ng Game 7 matapos ang 87-84 victory kontra Gin Kings sa pagbabalik ng unang import nilang si Myles Powell, na kumamada ng 29 points. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on