WebClick Tracer

Fil-Am USA bet R’Bonney Gabriel, bagong Miss Universe!

Tinanghal ang Filipina-American at Miss USA bet na si R’Bonney Gabriel bilang Miss Universe 2022.

Second runner-up si Dominican Republic Andreina Martínez habang first runner-up si Venezuela Amanda Dudamel.

Gumawa ng history si Bonney bilang unang Filipino-American na nagwaging Miss USA.

Si Gabriel ay isang fashion designer, model at sewing instructor.

Nagtapos siya ng Bachelor’s degree in Fashion Design with a Minor in Fibers mula sa North Texas taong 2018.

Bigo namang makapasok sa Top 16 si Philippine bet Celeste Cortesi. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on