WebClick Tracer

Echo winalis Blacklist, kampeon ng M4!

Sa wakas ay nakaganti na rin ng Echo Philippines sa Blacklist International matapos nilang masungkit ang tropeo sa M4.

Pinakita ng mga Orcas ang kanilang aggressive plays para talunin ang Blacklist, 4-0, sa grand finals.

Nanguna para sa Echo si Benedict ‘Bennyqt’ Gonzales, na inilabas ang kanyang Lunox pick, iba sa kanyang tradisyunal na marksman heroes.

Samantala, nanggulat din ang midlaner ng Echo na si Alston ‘Sanji’ Pabico, na gumamit ng assassin mage na si Gusion sa Game 3.

Sa naturang laro, 13 minutes at 53 seconds lang ang kanilang kinailangan para talunin ang Agents, pinakamaikli sa naturang series.

Ang panalo rin ng Echo ay makasaysayan para kay Karl Gabriel ‘Karltzy’ Nepomuceno, na siyang natatanging two-time world champion ng Mobile Legends: Bang Bang.

Matatandaan na siya ang naging star player ng Bren Esports noong magkampeon sila sa M2 taong 2021.

Si Bennyqt naman ang tinanghal na Finals MVP para sa M4 series. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on