WebClick Tracer

Pulis ibinalik ang P15,000 na aksidenteng napunta sa kaniyang GCash

Ibinahagi ng Sabtang Police Station sa social media ang katapatan na ginawa ng isa sa kanilang mga pulis matapos ibalik ni Police Staff Sergeant Anselmo Gari Jr. ang aksidente nitong natanggap na P15,000 sa kaniyang GCash.

Matapos umanong matanggap ang pera ay mabilis na nag-text ang nagpadala ng pera upang ipabalik ang pera. Hindi naman nag-alinlangan si Gari at ibinalik kaagad ang pera sa may-ari.

Sinaluduhan naman ng mga netizen ang ginawang katapatan ni Gari.

“We need more Police Officer like Anselmo, thank you so much”

“Good work gari, sadyang mababait ang mga taga sabtang, GOD bless you.”

“Kilala yan na honest na tao… Salute to you sir” (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on