WebClick Tracer

PANOORIN: Belle Mariano nanalo ng sibuyas sa raffle!

Aba, dahil sa sobrang mahal na presyo ng sibuyas ay pwede na rin pala itong ipa-raffle, at ‘yan ay naranasan ni Belle Mariano!

Sa thanksgiving party ng ABS-CBN Films Division, nabunot ang pangalan ni Belle para manalo ng isang kilong sibuyas.

Tawang-tawa naman si Belle sa kanyang nakuha sa raffle at may pa-acceptance speech pa ang aktres.

“Thank you po! Ang mahal ng sibuyas ngayon ah. May panggisa na tayo,” sey ni Belle.

Well, at least ay makakatipid na si Belle ng abot sa P600 dahil ‘yan na ang presyo ng sibuyas sa merkado ngayon.

Marami na ngang nagbibiro kay Belle na baka pwede silang makahingi ng sibuyas dahil malaginto na ang presyo nito.

TELETABLOID

Follow Abante News on