WebClick Tracer

Hindi si Coco! Julia Montes pinakilala ‘jowa’

Sino kaya ang flinex sa social media ni Julia Montes na tinawag niyang ‘jowa’?

Sa Instagram post ni Julia, may selfie siya kasama ang isang guy at nagsabi pa siya rito ng ‘love you’.

Hirit pa ni Julia sa kanyang kasama sa selfie, “meet my jowa.”

Well, for sure na hindi naman kinabahan ang mga CocoJul fans kahit hindi si Coco Martin ang kasama ni Julia sa selfie.

Nag-joke lang naman kasi si Julia dahil ang kasama niya sa larawan ay si Mac Merla, na kilalang handler ng aktres.

Kahit wala pang confirmation sina Julia at Coco na magjowa sila ay marami na ang tingin ay pinapanatili lang nilang private ang kanilang relationship.

Na-issue nga last year na baka kasal na raw ang dalawa dahil pareho daw sila ng suot na singsing noong dumalo sila sa burol ng namayapang aktres na si Susan Roces. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on