WebClick Tracer

Pinay teenager na pinahiya sa ‘luxury bag’ video, inulan ng regalo ng Charles and Keith

Talagang pinagpapala ang mga inaapi.

Matapos kasing ma-bash ang Singapore-based Pinay teenager na si Zoe Gabriel nang tawagin niyang “luxury” item ang Charles & Keith bag na regalo sa kanya ng ama, inimbitahan siya ng nasabing fashion company para malibot ang headquarters nila at makilala pa nang personal ang founder nito!

Maliban dito, nakatanggap din siya ng mga regalo mula sa kompanya.

Kasama ang kanyang daddy, nakilala ng 17-anyos na si Zoe si Keith Wong at nakasama itong mag-lunch.

Inilibot din sila sa headquarters ng Charles & Keith sa Singapore.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Zoe ang ilang litrato nitong Huwebes.

“We had such an amazing opportunity to visit @charleskeithofficial’s headquarters, and learn more about the behind-the-scenes! it was so fun, everybody was so nice and accommodating. we had the chance to sit down with keith and get to know their company a little better. thank you to everybody who has shown their support!!! 🙂 without you, we would never be here,” sey niya.

Bago nito’y nag-viral ang kanyang TikTok video kung saan ibinida ni Zoe ang itim na Double Handle Tote Bag niya na nagkakahalaga ng $79.90, na tinawag niyang “luxury bag”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on