WebClick Tracer

Pagtaas sa pondo ng DA dapat maramdaman ng magsasaka, mangingisda

Umaasa ang isang party-list solon na mararamdaman ng mga magsasaka at mangingisda ang paglaki sa budget ng Department of Agriculture (DA) ngayong taon.

Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee, nadagdagan ng 20% ang budget ng DA ngayong 2023 o mula P144.8 bilyon noong 2022 ay umakyat ito sa P174 bilyon.

“From this huge increase, we expect nothing less than improved services for farmers and fisherfolk, and for the agency to finally address long-standing problems in the agriculture sector,” sabi ni Lee.

Sinabi ni Lee na mahalaga na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda upang bumaba ang kanilang gastos sa produksyon gaya ng subsidiya sa abono at pestisidyo at magagamit na post harvest facility.

Ang mas maliit na gastos sa produksyon ay magreresulta umano sa mababang presyo ng pagkain.

Ang pagtaas umano ng presyo ng sibuyas, ayon kay Lee ay iniuugnay sa konting produksyon nito sa bansa, kakulangan ng post-harvest facility at agricultural smuggling.

Suportado rin ni Lee ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Kamara de Representantes kaugnay ng smuggling sa bansa. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on