WebClick Tracer

NEDA officials ginamit sa pambubudol

Naglabas ng babala ang Kamara de Representantes kaugnay ng mga indibidwal na humihingi umano ng pondo sa mga tanggapan nito gamit ang pangalan ng mga opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Isang memorandum ang inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco matapos sumulat si NEDA Usec. Melbourne Ziro Pana sa tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez para ipaalam na hindi ito humihingi ng pondo para sa kanilang mga programa at aktibidad.

“Everyone is therefore advised to be cautious in dealing with unscrupulous persons and double-check the sender’s email addresses. Only communicate with NEDA via its official email addresses ending in @neda.gov.ph,” sabi sa Memorandum. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on