WebClick Tracer

Mukha ng lalaki sa India ‘nalulusaw’

Isang 52 taong gulang na lalaki sa India ang tila ‘nalulusaw’ ang mukha. Ang lalaki na kinilalang si Govardhan Das ay mayroong kakaibang karamdaman na tinatawag na neurofibromatosis type 1, isang itong super rare genetic.

Kilala rin ang karamdaman na ito bilang Von Recklinghausen’s disease.

Bagama’t pinagtatawanan siya ng ibang tao, hindi na lang umano niya pinapansin ang mga ito.

“People make fun of me and call me different names but I did not bother about them,” 

Nagsimula lang umano ito noong 20 taong gulang siya at simula noon ay hindi na nagbago ang kaniyang mukha.

Dahil sa karamdaman, nahihirapan si Das na makakita, kumain at magsalita.

Samantala, ilang doktor naman na ang inayawan na operahan si Das sa kadahilanang nakakonekta umano ito sa kaniyang utak.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on