WebClick Tracer

Lisa Marie Presley isinugod sa ospital

Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang anak ni Elvis Presley na si Lisa Marie Presley matapos itong atakihin sa puso.

Natagpuan na lang umano si Lisa sa kaniyang kwarto at hindi na nakakatugon pa. Mabilis naman umanong isinagawa ni Danny Keough, dating asawa nito, ang CPR kay Lisa habang papunta pa lamang ang paramedics sa kanilang lugar.

Humingi naman ng panalangin ang ina nito na si Priscilla Presley.

“My beloved daughter Lisa Marie was rushed to the hospital. She is now receiving the best care. Please keep her and our family in your prayers. We feel the prayers from around the world, and ask for privacy during this time. -Priscilla Presley”

Si Lisa ay 54 taong gulang na.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on