WebClick Tracer

Justin Brownlee Pinoy na!

Justin Brownlee

Isa nang ganap na Filipino ang Barangay Ginebra long-time import na si Justin Brownlee.

Ito’y matapos lagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang isang batas na nagbibigay kay Brownlee ng Filipino citizenship noong Enero.

Si Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva ang nagbigay ng kopya ng nilagdaang batas sa Senate media.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11937, magiging ganap ng Filipino si Brownlee kapag nag-oath of allegiance sa Pilipinas at makakuha ng certification of naturalization sa Bureau of Immigration.

Bilang naturalized Filipino citizen, maaari nang sumama si Brownlee sa national basketball team.

Si Brownlee ay napipisil na isama sa Gilas Pilipinas sa mga susunod na international events partikular ang ikaanim at final window Fiba World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero sa Philippine Area kung saan makakalaban nila ang Lebanon at Jordan.

Sinabi ng Philippine Olympic Committee na magiging kasapi din si Brownlee sa men’s basketball team na sasabak sa Southeast Asian Game sa Cambodia sa Mayo.

Si Brown, ipinanganak sa Georgia, United States, five-time PBA champion ng Barangay Ginebra at tatlong beses na ring nasungkit naging Best Import award. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on