WebClick Tracer

Geneva ibinidang ‘good friends’ sila ng ex na si Paco Arespacochaga

Puwede bang maging “good friends” ang dating magkarelasyon?

Pinatunayan ng singer-actress na si Geneva Cruz na puwedeng-puwede ito.

Nagbahagi siya sa kanyang Instagram ng video kung saan muli silang nagkita ng kanyang ex na si Paco Arespacochaga.

“Can exes be good friends with one another? The answer is YES. Awesome seeing my only son’s daddy and my good friend Paco Arespacochaga this afternoon. This is how we greeted each other,” sey ni Geneva.

Si Paco ang ama ng anak na lalaki ni Geneva na si Heaven.

Kilala rin siyang miyembro ng Filipino pop-rock band na Introvoys.

Ilan sa popular nilang kanta ang “Line To Heaven” at “Di Na Ko Aasa Pa”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on