WebClick Tracer

Ex-Maguindanao governor Ampatuan hinatulang guilty sa ‘ghost projects’

Hinatulan si dating Maguindanao governor Sajid Ampatuan na guilty sa graft at falsification of public documents kaugnay sa mga ghost construction project noong 2009.

Nitong Biyernes ng umaga ibinaba ng Fifth Division ng Sandiganbayan ang hatol kay Ampatuan sa kabila na hindi pa ito nagpapakita.

Ayon sa kanyang abogado, nasa Maguindanao umano si Ampatuan dahil sa gout.

Matapos ang naging hatol sa kanyang hindi bababa sa 65 taong pagkakakulong, naglabas na ng warrant of arrest laban sa kanya.

Si Sajid ay kinasuhan kasama ang kanyang kapatid na si Andal Ampatuan Jr. para sa paggawad ng mahigit P22 milyong halaga ng mga supply contract sa Shariff Aguak Petron station na pag-aari ni Andal Jr. nang hindi nagsasagawa ng public bidding.

Sakop umano ng mga kontrata ang supply ng gasolina at lubricant sa iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura, na kalaunan ay napag-alamang gawa-gawa lamang. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on