WebClick Tracer

TOP 10 Sexy Pics: Celeste Cortesi palaban ang kurba!

celeste cortesi swimsuit

‘Beauty with a purpose’ — ‘yan ang pinatunayan ni Celeste Cortesi sa kanyang pagrampa sa Miss Universe suot ang swimsuit cape na gawa ng kabataan sa Marawi.

Sa pagrampa ni Celeste sa preliminary competition ng Miss Universe 2022, agaw-pansin ang kanyang kurbada, ngunit bukod diyan ay makikita rin ang ginamit niyang cape na may handprints.

Ang handprint na ito ay mula sa mga bata sa Marawi. Nagpunta doon ang Fil-Italian beauty para sa isang outreach program kasama ang Save the Children Philippines.

“In amplifying the voices of the children who need our help, I wanted to bring them with me on the Miss Universe stage. The imprints all over the cape remind me that having a title means to have a purpose beyond myself,” wika ni Celeste.

Bukod sa pagiging mabuti ng kanyang puso ay talaga namang sumasabay rin ang kagandahan at kaseksihan ni Celeste Cortesi sa ibang Miss Universe candidate.

Sa height niyang 5-foot-9, isa na siya sa pinakamatangkad na naging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe.

Bago sa Miss Universe ay sumali na rin si Celeste Cortesi sa Miss Earth Philippines noong 2018, kung saan pumwesto siya sa top 8.

Ngayon ay tatangkain niyang makuha ang korona sa Miss U, na huling nahawakan ni Catriona Gray noong 2018.

Base sa hot picks ng Missosology, nasa second place si Celeste sa mga tingin nilang may pag-asang manalo sa Miss Universe 2022.

Para naman sa mga nagtatanong kung may dyowa na ba si Celeste, siya ay in a relationship kay Matthew Custodio, isang modelo at miyembro din ng national football team na Philippine Azkals.

Well, sana lang ay hindi tamaan ng ‘Miss Universe curse’ si Celeste dahil karamihan ng pumapasok sa naturang beauty pageant ay nagkakaproblema sa kanilang love life.

Heto naman ang ilan sa mga palaban na sexy bikini photos ni Celeste Cortesi:

Celeste Cortesi swimsuit
Celeste Cortesi IG
Celeste Cortesi IG
Celeste Cortesi IG
Celeste Cortesi IG
celeste cortesi swimsuit
Celeste Cortesi IG
Celeste Cortesi IG
Celeste Cortesi swimsuit
Celeste Cortesi IG
Celeste Cortesi IG
celeste cortesi swimsuit
Celeste Cortesi IG
celeste cortesi swimsuit
Celeste Cortesi IG

RELATED VIDEO:

TELETABLOID

Follow Abante News on