WebClick Tracer

Barkada na parang may klase sa burger store kinaaliwan online

Viral ang litratong ibinahagi ng netizen kung saan parang may klase sa harap ng isang tindahan ng burger ang magkakaibigan habang matiyagang hinihintay ang kanilang order.

Umani ng libu-libong laughing reactions sa Facebook ang litrato na ibinahagi ni Jarden Nutch Concon kung saan makikita ang mala-classroom na set-up ng isang tindahan ng Angel’s Burger.

“Good Evening Class. Our lesson for today is all about egg sandwich cooking,” caption ni Jarden.

Ayon kay Jarden, nagmi-midnight snacks silang magkakaibigan nang maisipang kumain ng burger.

Naisipan daw niyang kuhanan ng litrato ang mga kaibigan dahil sa set-up ng tindahan na parang nasa classroom. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on