WebClick Tracer

8 Pinoy mula sa China walang dala na kakaibang variant

Ligtas at walang dala na kakaiba o hindi pangkaraniwan na variant ang walong Pinoy na mula sa China, ito ay ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Dumating ang mga Pinoy sa bansa noong Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 2, 2023 at lahat ay nagpositibo sa antigen tests.

“Nakita natin tatlo (3) don ay BF.7 at ang isa (1) ay BA 5.2. Ito yung mga hindi bagong variants. Dati na natin ito nade-detect. Unusual or unique? No,” ayon kay DOH Director IV of the Epidemiology Bureau Dr. Alethea De Guzman.

Samantala, siniguro naman ni Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz na nasa maayos na kalagayan ang mga OFWs sa China kahit na mayroong lumutang na bagong variant ng COVID-19 sa nasabing bansa.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on