WebClick Tracer

18 bata nakaranas ng side effect sa Sangobion Kids syrup

Nauna nang inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na ang lahat ng batch ng Sangobion Kids “Iron + Vitamin B-Complex” syrup ay boluntaryong ni-recall mula sa merkado.

Ito’y matapos matuklasan ang ethylene glycol na lampas sa maximum allowable limit, na maaaring magdulot ng mga potensyal na masamang reaksyon kung inumin sa mataas na doses.

18 bata ang iniulat na nakaranas ng adverse reactions matapos uminom ng ni-recall nang mga Sangobion iron and vitamin B-complex syrup, ngunit walang nakamamatay o life-threatening, ayon sa FDA sa press release na may petsang Enero 11.

Ang nangungunang naiulat na mga adverse drug reactions sa mga bata ay pagsusuka, pagtatae, pagbaba ng gana sa pagkain, pamumutla at pananakit ng tiyan. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on