WebClick Tracer

Voting registration centers ng Comelec, nilalangaw ba? 

Sa panayam ng Politiko, sinabi ni Comelec Chairman Atty. George Garcia na inaasahan umano ng Comelec na nasa 1.5 milyon hanggang 2 milyon ang magpaparehistro ngunit nilangaw umano ito sapagkat nasa 400,000 pa lang ang nakapagparehistro. 

Nanawagan siya na magparehistro na at iwasan na ipagpabukas pa dahil kalat naman umano ang voting registration centers sa mga mall. 

Samantala, nabanggit din sa panayam na baka busy rin ang mga Pinoy sa pagpaparehistro ng kanilang simcard na nitong nakaraan lang ay may mga aberya na nangyari. 

Dagdag pa ni Garcia na mas madali na lang umano magparehistro ngayon dahil mas “accessible” na kaya panawagan niya ay pumunta na ang mga hindi pa rehistrado sa mga voting registration center. 

(Jan Terence) 

TELETABLOID

Follow Abante News on