WebClick Tracer

Power bank nagliyab sa eroplano

Dalawa ang sugatan matapos lumiyab ang isang power bank sa loob ng eroplano.

Ayon sa report sa The Straits Times, nangyari ang insidente sa isang Scoot flight na nakatakdang mag-take-off mula sa Taoyuan International Airport sa Taiwan patungong Singapore noong Martes ng gabi.

Ibinalik ang eroplano sa airport tarmac mula sa runway matapos maapula ng mga bombero ang apoy.

Ang power bank ay mula umano sa isang pasahero na nag-overheat.

“Medical assistance has been rendered to the owner of the power bank and his companion, who sustained minor burns to their fingers,” pahayag ng Scoot. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on