WebClick Tracer

PCO hinikayat ang publiko na makilahok sa Zero Waste Month

Hinikayat ng Presidential Communication Office (PCO) ang publiko na makilahok at tumulong sa pagsisikap ng gobyerno na mabawasan ang mga basura sa kapaligiran sa pagdiriwang ng buwan ng Enero bilang Zero Waste Month.

Ayon sa PCO, sa ganitong paraan ay mababawasan ang masamang epektong idinudulot ng mga basura sa kalusugan ng mga tao at sa kapaligiran.

Ayon sa PCO, ang Zero Waste ay adbokasiya na nagsusulong ng maayos na pamamahala ng mga produkto at prosesong makakatulong na mabawasan ang basura at mga patapong gamit na may masamang epekto sa kalikasan at kalusugan ng tao.

Hindi lamang sa lupa at mga komunidad nakikita ang mga basura kundi maging ang karagatan ay nagiging tapunan na rin ng basura na nakakapinsala sa mga yamang dagat.

Ang buwan ng Enero ay idineklarang Zero Waste Month sa bisa ng Presidential Proclamation No. 760 na nilagdaan noong ika-5 ng Mayo 2014. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on