WebClick Tracer

Panawagan sa Pinoy Designers: Idisenyo magiging kasuotan ni Dolly De Leon

Nanawagan si Abner Mercado sa mga pinoy designer na idisenyo ang kasuotan ni Dolly De Leon kung sakaling masungkit niya ang nominasyon sa Oscar.

“Maaari po kayang boluntaryo nating idisenyo ang magiging kasuotan ng ating pambato sa Oscar na si Dolly De Leon sakaling masungkit niya ang nominasyon at hindi naman malayong mangyari,” saad ni Mercado sa kanyang Facebook post. 

Mungkahi umano ni Dolly na magsuot siya ng inspirasyon sa Baro at Saya sakaling luminya ang mga tala para sa Oscars.

“Dinadamitan nga po natin ang ating mga kandidata sa paligsahan ng pandaigdigang pagandahan gaya ng Miss Universe. Bakit hindi sa Oscar na tagisan naman ng husay sa pelikula sa buong mundo na kayang kaya sumabay ng mga pinoy,” ani Mercado.

Maari umanong ikonsidera ang kasuotan ng mga Ifugao sa Norte o di kaya ang makukulay na kasuotan ng mga T’boli sa Soith Cotabato, Mindanao.

Si Dolly De Leon ay isa sa mga nominado sa Golden Globe Awards bilang Best Supporting Actress.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on