Nais ni Comelec Chairman Atty. George Garcia na gawing krimen ang nuisance candidacy.
Sa panayam nina Michael Fajatin at Ina Andalong sa Politiko, inihalimbawa ni Garcia ang isang Michael Fajatin na talagang tunay na tumatakbo o lehitimong kandidato ngunit may isang nuisance o panggulo na tumatakbo na ang pangalan ay Mike Fajatin.
Kapag hindi raw nila naalis kaagad ang Mike Fajatin ay malalagay ang pangalan nito sa balota.
Tiyak daw na maraming botante ang malilito rito at may posibilidad na matalo ang totoong Michael Fajatin sa eleksyon.
“Dapat ‘yung nuisance cases ma-resolve ng Comelec bago kami mag-print ng balota para wala na tayong pinagtatalunan na mga nuisance at hindi na nagpapatakbo ng mga panggulo sa ating halalan, na ang ating proseso ay ginugulo din,” ani Garcia. (IS)
Dapat gawing krimen?
— Politiko (@Politiko_Ph) January 12, 2023
Nuisance candidacy, dapat gawing krimen — Comelec Chairman Atty. George Garcia pic.twitter.com/mdkxAtXASS