WebClick Tracer

Myles Powell pineke lang ang injury?

Sinagot ni Myles Powell ang espekulasyong pineke lamang niya ang kanyang injury matapos kumayod nang husto sa panig ng Bay Area sa Game 6 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.

Siya ang tinanghal na Best Player sa Game 6 win ng Bay Area laban sa Barangay Ginebra, 87-84, noong Miyerkoles, at naipuwersa ang do or die Game 7.

Kumamada siya ng 29 points, limang three-pointer at tatlong assist.

Sa kabila ng impresibong nilaro niya, sinabi ni Powell na hindi pa siya 100 porsiyentong nag-heal mula sa injury.

“I’m still not healthy,” giit ni Powell, na huling naglaro sa elimination round noong November 23, 2022 kung saan nanalo ang Dragons laban sa TNT, 140-108, bago siya pinaganang muli ng Dragons sa Game 6 ng championship round matapos magtamo ng injury si import Andrew Nicholson.

“I’m still not a hundred percent. That was my first time running up and down since three days before Thanksgiving since our last game,” dagdag niya.

“I was winded. You see I didn’t start. I didn’t start the third quarter. Coach didn’t really play me that much, but I did what I could with the time I was out there,” patuloy pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on