WebClick Tracer

Mga magsasaka sa Tarlac, lubog sa baha tinanim na sibuyas

Sa panayam ng “I-Abante Mo,” ibinahagi ng isang magsasaka ang kanilang suliranin ngayong binaha ang kanilang mga pananim na sibuyas sa Gerona, Tarlac.

Tumaas umano ang ilog malapit sa lugar dahil sa mga pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA).

Napag-alamang 6,000 hanggang 8,000 kilo ng sibuyas ang puwedeng maani kung hindi ito nangyari sa mga magsasaka.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng magsasakang si Mark Joseph Vicente na halos 80 porsiyento talaga ng kanilang tanim na sibuyas ang napinsala ng rumaragasang baha.

Samantala, sinabi naman ng magsasaka na sila ay kasalukuyan nang tinutulungan ng kanilang LGU. Kung may mga kalamidad na nangyayari kada taon, handa naman daw umano ang kanilang LGU sa pagtulong.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on