WebClick Tracer

Kuya Kim, inilipad ng kanyang anak na piloto sa La Union

Proud tatay si Kuya Kim sa kanyang anak na piloto na si Jose Atienza sa pagsilbi nito bilang piloto at inilipad ang kanyang ama at kapatid na si Eliana papuntang La Union. 

Sa Instagram ibinahagi ni Kuya Kim ang short clip ng kanilang family trip sa La Union. 

“I feel fulfilled when my kids pursue passions I failed to pursue when I was younger,” saad niya sa kanyang caption. 

“Today pilot @jhatienza flew @elianahatienza and I to La Union to surf for the day, ” dagdag pa niya. 

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging piloto si Jose ng kanyang ama dahil ipinakita niya rin ang kanyang paaralan sa pagka-piloto at lumipad gamit ang Cessna 172 plane.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on