WebClick Tracer

Bumili ng tiket sa Ginebra-Bay Area Game 7, libre sakay papuntang Philippine Arena

May libreng sakay ang PBA sa mga ticket holder para sa Game 7 ng Commissioner’s Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Bay Area patungong Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Linggo.

Ayon sa PBA, ang shuttle service ay exclusive para sa media personnel at ticket holders, pero “first come, first served basis”.

Nakahimpil ang mga FMR bus para sa mga pasahero sa terminal sa Roosevelt Ave. sa Quezon City.

Ala-una ng hapon ang first trip patungong Philippine Arena.

Ang mga pasahero lamang na sumakay patungong Philippine Arena ang makakalibre ng sakay pabalik naman ng Maynila.

Kahapon, December 11, nakapuwersa ang Dragons ng Game 7 matapos ang 87-84 victory kontra Gin Kings sa pagbabalik ng unang import nilang si Myles Powell, na kumamada ng 29 points.

Sasambulat ang Game 7 ng 5:45PM sa January 15 matapos iusog ng liga mula sa original Friday playdate dahil sa public demand. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on