WebClick Tracer

Bonbon beach bukas na sa publiko

Matapos ang ilang buwan na pagsasara, maaari na uling maranasan ng publiko na masilayan ang ganda ng Bonbon beach sa Romblon.

Sinara ang nasabing dagat upang sumailalim sa paglilinis at pagsasaayos ng lugar.

Samantala, may entrance fee naman na ang Bonbon beach. P60 ang regular na entrance fee at may discount naman na 50 porsyento kung ang papasok ay isang senior citizen, person with disability (PWD) o K-12 na estudyante.

Maaaring puntahan ang Bonbon beach araw-araw, bukas ito mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on