WebClick Tracer

Bivalent vaccines kontra COVID-19 para lamang sa mga nakapagpa-booster – expert

Mga nakapagpa-booster lamang ang maaaring tumangap ng bivalent vaccines na inaasahang darating sa bansa sa mga susunod na araw.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Infectious Diseases expert Dr. Edsel Salvaña matapos ihayag ng Department of Health (DOH) na inaasahang darating sa bansa sa susunod na mga araw ang bivalent vaccines laban sa COVID-19.

Ayon kay Salvaña ang bivalent vaccine ay ginawa bilang pang-booster lamang at hindi maaaring gamiting primary at secondary dose .

Maging sa Amerika aniya ay pang-booster shot ang bivalent vaccine at ang mga unang bakuna na monovalent vaccines ang siya pa ring ginagamit para sa una at pangalawang dose laban sa COVID-19.

“Ang bivalent vaccine is only indicated as a booster. Even sa US ganoon pa rin. Ang gagamitin pa rin natin na primary series, iyong first dose and second dose, ay iyong lumang bakuna – iyong monovalent dahil iyon po talaga iyong may approval para dito. Even in the US, ang bivalent ay ginagamit lang nila for now para sa booster,” ani Salvaña

Pagdating naman sa vaccination rollout, sinabi Salvaña na bumaba na ang bilang ng mga nagpapa-booster shot, pero hindi lamang naman ito sa Pilipinas kundi halos sa buong mundo na ikinabahala aniya ng World Health Organization (WHO).

Taliwas aniya ito sa naging malaking impact ng una at pangalawang dose ng COVID vaccine na nagpababa sa bilang ng mga kaso ng namatay sa COVID-19.

Umaasa si Salvaña na dapat ipagpatuloy ng mamamayan ang magpa-booster lalo na at maraming bagong COVID variants na sumusulpot dahil sa mutation ng virus. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on