WebClick Tracer

Angelica Panganiban nagpositibo sa COVID

Miss na miss na ni Angelica Panganiban ang mag-ama niya matapos niyang tamaan ng COVID-19.

Kailangan kasi niyang mag-isolate upang hindi mahawa ang kanyang fiance na si Gregg Homan at kanilang baby Amila.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang screenshot ng video call niya sa kanyang mag-ama at ang positive result ng kanyang antigen test.

“Nauubusan na ko ng positive thoughts pls send help. I miss you family,” caption ni Angelica.

Dinagsa ng get well soon message mula sa followers at celebrity friends ang comment section ng post niya.

“Pagaling ka sis. Praying for healing,” sey ni Camille Prats.

“You got this kambal!!” comment naman ni Anne Curtis.

“Pinagdarasal kita nak love you,” ani Pokwang. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on