WebClick Tracer

Abuloy sa kanyang namayapang mister, binulsa ni bilas

Sa panayam ng “I-Abante mo,” nagsumbong ang isang biyuda dahil kinuha umano ng kapatid ng kanyang namayapang mister ang higit P90K abuloy nito na galing sa mga kamag-anak at kaibigan.

Ayon kay Arjay Pepito, nagpaliwanag umano ang kapatid ng kanyang mister na ginamit ang abuloy sa pagpapa-ospital para sa kanyang anak.

Pinapasok na umano ng kanyang bilas ang mga perang abuloy sa mismong bank account niya nang hindi nagpapaalam.

Nagsabi pa umano ito na tutulungan ang biyuda na mag-open ng bank account dahil wala pa itong valid ID noon.

Higit P90k ang abuloy na napag-alaman ng biyuda dahil sa mismong ang kanyang bilas ang nagsabi na gayon.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on