WebClick Tracer

Nilait si baby Rosie, netizen sunog kay Luis Manzano

Sunog kay Luis Manzano ang isang netizen na todo lait at tinalakan ang TV host-actor dahil hindi pa ipinapakita ang mukha ng baby nila ni Jessy Mendiola.

Nag-post si Luis sa kanyang Instagram page ng litrato habang karga-karga niya ang bagong panganak na si baby Rosie.

“Daddy duties with @isabellarosemanzano, my Peanut,” caption ni Luis.

Maraming followers niya ang nabitin dahil tinakpan ni Luis ng red rose emoji ang mukha ng baby.

Ilang follower ang nag-request na i-face reveal na nina Luis at Jessy ang kanilang first baby ngunit isa sa mga ito ang naging bastos sa kanyang hirit.

“Bakit dimo pinakikita mukha ng anak mo pisot ba yan? Dami nyo arte [face with tears of joy emojis] by the way congrats na lang sainyo Lucky Manzano,” saad ng nasabing netizen.

Hindi ito pinalagpas ni Luis ngunit idinaan sa joke ang banat sa naturang netizen.

“Kayo nga po pinagisa niyo pisngi, leeg, at baba niyo di namin po kayo pinapakialaman [face with tears of joy emojis],” resbak ni Luis, na humakot ng haha react mula sa kanyang followers. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on