WebClick Tracer

Whamos sobrang saya, nakakita ng kamukha!

Ibinida ng digital creator na si Whamos Cruz ang pagkikita nila ng kanyang kamukha.

Sey ni Whamos, sobrang saya niya nang makaharap ang ka-lookalike na si Whamsy.

“Maraming nagta-tag sa akin na kamukha ko raw siya… Sobrang saya ko sa feeling na may mga taong… katulad ko, ‘yung kamukha ko, ‘di ba? Nakakatuwa lang,” sambit niya.

“Parang nakikita ko ‘yung noon ko ah,” hirit ni Whamos nang makita na si Whamsy nang personal.

Sa una ay nahihiya pa si Whamsy kay Whamos ngunit nakipagbiruan din ito bandang huli.

Bago matapos ang kanilang paghaharap, sinorpresa ni Whamos si Whamsy ng bagong cellphone at P5,000 cash.

“God is good….. i salute you for sharing your blessings…Always be a blessings to others,” sey ng isang netizen.

“Nice one 💯 kakatuwa naman makita eto,” saad naman ng isa. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on